Ang awiting "Superheroes in disguise" ay siyang unang kanta na isinulat ng 11-taong gulang na si Matthew na nabigyang inspirasyon sa araw-araw na nakikita niyang trabaho ng kanyang mga magulang na parehong nars at sa gitna ng pandemya na kinakaharap ng ating mundo.
Mga highlight
- Marami ang patuloy na nagbibigay-pugay sa serbisyo ng lahat ng mga nagta-trabaho sa larangan ng pangangalaga ng kalusugan.
- Handog ng 11-taong gulang na si Matthew Dino ang awiting "Superheroes in disguise" para sa lahat ng frontliners.
- Sa pinakahuling datos, mahigit 800,000 ang nagta-trabaho sa industriya ng healthcare sa Australia. Mahigit 370,000 sa mga ito ay nars at nasa 70,000 ay mga doktor.
Sa murang edad pa lamang mahilig ng kumanta ang batang taga Kanlurang Sydney. At sa kasagsagan nga ng pandemya, nabuo niya ang natatanging awitin na handog pasasalamat sa serbisyo ng lahat ng mga nagsasakrispisyo para sa pang-aalaga sa mga matatanda at mga sakit lalo’t higit ngayong panahon ng COVID-19.
Mag-nobyo’t magnobya pa lamang ang mga magulang ni Matthew nang magsimula silang magtrabaho bilang mga nars sa Australia may 17 taon na ang nakakalipas. Sa ngayon ang kanyang ama na si Gemmel ay nakatalaga sa Intensive Care Unit (ICU) na nangangalaga sa may pasyenteng may coronavirus. Habang ang kanya ina na si Sheila ay regular naman na nars sa Westmead Hospital.
Sa nakalipas na ilang linggo naging laman ng mga balita ang batang Dino dahil sa kanyang kanta. Sa tuwa ng mga opisyal sa pinagta-trabahuang ospital ng kanyang ina, ang bunso sa tatlong makakapatid ay hinikayat na gawan ng video ang kanyang kanta. Itinampok at mapapanood ang naturang video sa social media ng Western Sydney Health.

Matthew started singing at a very young age when he can hardly pronounce a lot of words. Source: Supplied by Sheila Dino

Matthew (middle) with his two older brothers, Martin and Mark and their own superheroes in disguise, their mum and dad, Sheila and Gemma.
Laking tuwa naman ng batang Dino sa atensyon na kanyang nakukuha ngayon para sa kanta na naisulat niya sa paggabay ng kanyang singing mentor na si Tina Bangel mula sa One Voice School.
BASAHIN DIN / PAKINGGAN

Matthew wrote his first song with the guidance of his singing mentor Tina Bangel of One Voice School of Singing. Source: Supplied by Sheila Dino
READ MORE

Awit na nabuo sa gitna ng lockdown