Nagpasya sina Gerard at Marites Novis na tumulong sa kanilang bayan sa Tayabas, Quezon sa pamamagitan ng pagpapadala ng tulong-pinanysal sa lokal na awtoridad para makabili ng mga "sanitents".
Ang SaniTent o sanitation tent ay pinagsama-samang diffuser system, misting, at hugasan ng paa na nakakatulong para ma-disinfect ang mga indibidwal na gagamit nito.
Bagaman hindi nila masasabi na sila ay mayaman, nagdesisyon ang mag-asawa na magbigay ng donasyon sa kanilang bayan.
"Ang pera sa ngayon, ay hindi mahalaga kung hindi ka tutulong sa talagang nangangailangan," ani Marites Novis. Dagdag pa niya, masarap sa pakiramdam ang makatulong sa talagang mga nangangailangan.
Nilalayon ng mag-asawa na makabili ng tatlong SaniTents na ilalagay sa harap ng munisipyo, palengke at lokal na ospital. Inaasahan nilang makakatulong ito sa kanilang mga kababayan sa pag-iwas sa pagkalat ng coronavirus sa kanilang lugar.