Makasama ng makinang na LGBTQIA+ community at mga kaalyado nito, muling lumahok sa taunang Mardi Gras parade ang komunidad Filipino.
Pinangunahan ng grupong Filipino Lesbian and Gay Community (FLAGCOM) and Friends ang Philippine float sa pangunguna nina Albie Prias at Charles Chan at fashion designer Rene Rivas, kasama ang mga nanalo sa Miss Mardi Gras International Queen 2023.
"Ang maganda sa selebrasyong ito ay nakilahok ang iba't ibang organisasyon at mga sangay ng gobyerno," ani Jojo Sebastian na lumahok at nakasaksi ng mga kaganapan sa Oxford street kagabi.
"Nakita natin mula sa makukulay na kasuotan ang iba't ibang representasyon ng pagiging malikhain ng mga organisasyon at iba't ibang kultura at lahi na nakilahok sa parada."

Pinarangalan sa naganap na Sydney Mardi Gras parade ang kultura ng First Nations ng Australia kung saan sa 208 na float na kalahok, pinangunahan ito ng float na tampok ang mga Indigenous Australian.
Ipinagdiwang din ng isang grupo din ng 20 Aboriginal and Torres Strait Islanders mula sa LGBTIQ+ community ang kanilang kauna-unahang partisipasyon sa makaysayang parada na balik na sa orihiginal na pinagdarausan nito sa Oxford Street sa Sydney.
RELATED CONTENT

Sydney Mardi Gras: Celebrating sexuality and being fearless




