Highlights
- Hindi naman daw kasing tindi ang aktibidad ngayon ng Taal Volcano, kumpara sa pagputok nito nuong 2020 dahil de-pressurized o hindi na nakapag-iipon ng sapat na gas ang bulkan
- Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), may isinasagawa nang paglilikas ng mga residente sa mga Bayan ng Laurel at Agoncillo sa lalawigan ng Batangas
- Mahigit 3,000 pamilya ang target na mailikas
Sakaling bumaba naman ang aktibidad nito sa susunod na dalawang linggo, maaaring ibaba muli ang alert level sa alert level two.




