Mula sa kanilang hilig sa pagtakbo at pagsali sa marathon, naisip ng magkababayan mula Brisbane at Gold Coast na sina Camille Punzalan at Sheryll Quimosing na ilunsad ang "Takbo para sa Wika"— isang inisyatibong nag-uugnay sa kalusugan, komunidad, at pagpapahalaga sa wikang Filipino.
Key Points
- Isasagawa ng komunidad Pilipino sa Queensland ang 'Takbo para sa Wika' sa Agosto 1 sa Brisbane at Gold Coast.
- Pangungunahan ng mga community leader na sina Camille Bianza Punzalan at Sheryll Quimosing ang gagawing libreng park run bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng mga Pilipino.
- Hangad nilang maipakita ang pagmamahal sa sariling wika habang hinihikayat ang mga kababayan na maging aktibo para sa kalusugan at pagyamanin ang kultura, at pagkakakilanlan ng komunidad.
Layunin nitong hikayatin ang mga Pilipino sa Queensland na manatiling aktibo sa pamamagitan ng pagtakbo habang ipinagdiriwang at pinananatili ang ating mga katutubong wika.
We're all migrants here. If you're new, don't have friends yet, want to start running, or you're feeling homesick, you'll always have a community to run with—people who understand you and where you can freely speak our language. You're not alone.Sheryll Quimosing, Gold Coast marathoner

Tuwing Agosto, ipinagdiriwang ng Pilipinas ang Buwan ng Wika. Nitong 2026, ang selebrasyon ay may tema na: "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon".
Even though we now call Australia home, I want our language to travel with us. With 35 Philippine languages already classified as endangered, it's more important than ever that we continue speaking, celebrating, and preserving our native languages for future generations.Camille Bianca Punzalan, Brisbane Filipino community leader
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





