Key Points
- Kaiba sa Pilipinas, ang Pasko sa Australia ay kadalasang mainit.
- Para sa mga Pilipino, tulad ni Benny Chan, na walang kapamilya sa Australia, mga kaibigan at komunidad ang madalas na kasama sa Pasko.
- Nanatili pa rin ang Paskong Pinoy sa puso ng maraming Pilipino sa Australia.

Mainit man at kaiba sa malamig na simoy ng hangin sa Pilipinas sa tuwing panahon ng Kapaskuhan sa Australia, maraming Pilipino, gaya ni Benny Chan ang nasanay na rin sa 'summer Christmas' na tinatawag.
"As you know, iba ang weather dito, it's summertime, kaya most of the time we go to the beaches," pahayag ni Benny.
"On Christmas day, iba ang celebration dito, you just visit friends and family."

Mag-isa na lamang sa buhay si Benny mula nang pumanaw ang kanyang ina may ilang taon na ang nakalipas, kaya malaking pasalamat niya sa mga kaibigan at sa komunidad Pilipino sa Perth na kanyang nakakasama sa pagdiriwang ng Pasko.
Ramdam na ramdam naman ng Chef na si Jorge Gonzaga ang kaibahan ng pagdiriwang ng Pasko sa pinagmulang Pilipinas sa kanyang bagong bansang Australia, lalo pa nga at madalas itong nagta-trabaho sa mismong araw ng Pasko.




