Si Jeannete Ang, isang zumba instructor sa kanlurang Sydney, ay ginagamit ang pagkakataon na pangunahan ang isang grupo na nahihilig sa zumba bilang isang paraan ng ehersisyo, at kasabay nito, ang kanyang kawanggawa para sa mga inabandunang mga hayop.
Kada dalawang buwan, siya ay nagdadala ng mga pagkain ng hayop sa Blacktown Animal Holding Facility. Ibinahagi niya kung bakit niya naisip na gawin ito.