Inamin ng pinaka-nakakataas na Cardinal ng Simbahang Katoliko sa Australya na mali ang naging pagharap ng simbahan sa alegasyon ng pang-aabusong sekswal. Larawan: Nagbigay ng ebidensiya si Cardinal George Pell sa Royal Commission into Institutional Responses to Child Sexual Abuse sa pamamagitan ng link mula Roma (AAP)
Ang mga biktima ng pang aabuso't, mga taga suporta nila kasama ang mga alagad ng simbahan, at mamahayag ay dumalo sa pagdinig sa Roma
Nanood sila habang sinagot ni Cardinal Pell ng may apat na oras ang mga katanungan sa pamamagitan ng video link sa Royal Commission into Institutional Responses into Child Sexual Abuse.
Habang maingat na pinakinggan ng mga survivor ang testimoniya ni Cardinal Pell, ang ilan ay nagalit sa kayang kabiguang maalala ang ilang mga natatanging bagay-bagay
Share




