Bumibisita sa Australya para sa ika-apat na magkakasunod na taon, inihayag ng may-akda ng "Ang Gitano" na naka-base sa US na siya ay lilipad pabalik sa Pilipinas sa katapusan ng Hunyo matapos ang 12 taon na literal na pag-iwas sa bansa sa kabila ng mga gawain at proyekto sa buong Asya kabilang ang Singapore at Malaysia .
"Yes, I am ready to go home! The Philippines is pulling me and I am ready."

Giovanni Ortega with Filo-Aussie artist Caroline Garcia at the Art Dialogue Pilipinx Diaspora held at The Luggage Store Gallery in California in May (Facebook) Source: Giovanni Ortega's Facebook
"It's funny I call it (Philippines) home, right, but I've never been there for the past 12 years now," pagbabahagi ni Ortega na nagsagawa ng workshop na tinawag na "Canvas of my Body" sa Riverside's National Theatre of Parramatta sa Sydney nitong Hunyo.
Ang nasabing mga workshop ay naglalayong palalimin ang pag-unawa ng mga kalahok na artist at paggamit ng mga pamamaraan ng pag-arte sa representasyonal at devised theater upang maitanim ang kalaliman at lawak sa paglalarawan ng mga kapani-paniwalang karakter batay man ito sa katotohanan o imahinasyon.
Matapos sa Pilipinas, si Ortega ay magtutungo sa Singapore sa Hulyo para sa ilang proyekto, at pagkatapos bilang bahagi ng isang grant ng EnviroLab Asia, siya ay magtatrabaho para sa isang proyekto sa mga katutubong Kayan sa Borneo.

Giovanni Ortega (3rd row, 4th from left) with the Kabaret Singapura participants in January 2019 (Giovanni Ortega's Facebook) Source: Giovanni Ortega's Facebook
"One of the main things that is really important for my work is cultural authenticity and not appropriating stereotypes," ang paniniwala ni Ortega sa paglikha ng isang mapagtanggap at inklusibong relasyon sa mga alagad ng sining at mga komunidad na hindi alintana ng lahi, kasarian, relihiyon, oryentasyong sekswal at klase.
Si Giovanni Ortega ay dati nang nakipagtulungan sa maraming organisasyon sa buong mundo upang obserbahan kung paano ginagamit ang mga sining upang ipaalam sa iba't ibang populasyon ang tungkol sa kung paano mababawasan ang diskriminasyon at mapahusay ang pagtanggap.