Highlights
- Alamin ang mga kondisyon bago mag-sign up sa Buy now pay later.
- Bago magbukas ng account sa Buy now pay later, dapat pag-isipan nang maigi at bilhin lang ang kinakailangan para di malubog sa utang.
- Alamin din ang kakayahan ng pagbabayad sa utang o budget.
Popular ngayon sa merkado, ang offer na Interest-free , hassle free o hulugan sa pagkuha o pagbili ng branded o usong damit, gadgets , home appliances at marami pang ibang bagay. Kaya, di mo masisi na marami ang na-enganyo. Lumalabas sa datos ng Australian Securities and Investment Commission o ASIC, umabot ang gastos ng mga mamimili dito sa Australia sa $5.6 bilyong sa pamamagitan ng Buy Now Pay Later mula taong 2018 hanggang 2019. Bagay na ikinabahala ng CEO ng Financial Counselling Australia na si Fiona Guthrie, dahil sa higit 25 milyong populasyon ng Australia, umabot sa 6 milyon accounts sa Buy Now Pay Later ang nabuksan sa bansa sa taong 2018 hanggang 2019. Kaya isinulong nito ang adbokasiya na dapat may panuntunan o ma-regulate ang ganitong serbisyo.
“ yong bayarin sa Buy now pay later ay hinahati-hati ng providerse sa loob ng ilang linggo o buwan o taon, makakakuha ka din ng bagay mula sa halagang ilang dolyar hanggang $30,000 dahil hindi sakop ng credit laws kaya kahit magkano pwede ibenta sa tao," paliwanag ni Guthrie.
Ang pang-akit ng serbisyong ito ay ang interest-free instalments , pero ang hindi alam ng shoppers kung mahuli sa pagbayad matataga ka ng malaking halaga. Sa datos ng ASIC noong November 2020, 21 % ng mga customer ng buy now pay later ay nahuli ng kanilang pagbayad. Ayon kay Deb Shroot isang Canberra-based financial counsellor sa National Debt helpline, ang bawat buy now pay later providers ay may iba't- ibang palisiya at kondisyon.
“ Limitado ang protection ng consumer kaya dapat mag-ingat baka hindi na makabawi ang customer," paalala ni Shroot.
Dagdag pa ni Fiona Guthrie ng Financial Counselling Australia isa sa mga trap o bitag ng buy now pay later, ay hindi namamalayan ng mga customer na lagpas na pala sa budget ang kanilang ginastos. At sa kalaunan ay di na nila kayang bayaran, dahil baon na sa utang.
“ Kagaya din sya ng maraming nagpapautang, kapag di nabayaran ay masisira ang credit score pero bawat kompanya o nagpapautang may ibaIt’s like any debt, if you don't pay, it is likely to affect your credit score But that depends on the providers, some of them use a credit reporting system, and some don't," dagdag ni Guthrie.
Babala din ni Financial counsellor Deb Shroot, silang may maraming bayarin sa buy now pay later ay posibleng mahihirapang makakuha ng approval sa banko para sa bahay o sasakyan.
“ kung marami kang bayarin dapat may maganda kang credit rating, pero ang tanong kaya pa kaya magbayad ng loan, importante din ito kung pag-usapan ang eligibility sa paghihiram ng pera sa banko," kwento ni Shroot.
Dagdag pa ni Kirsty Robson na isa ding financial counsellor ng National Debt Helpline. Bago pumasok sa buy now pay later, pag isipan ng maigi kung kaya ba sa budget kung sakaling may mangyaring aberya.
Lumalabas din sa pananaliksik ng ASIC, na ang mga customer na baon na bayarin sa buy now pay later ay humahantong sa pagkaltas o pagkuha ng budget sa pagkain , pambayad sa renta ng bahay , pambayad ng bills at ang iba ay mag-loan para pambayad sa utang na ito. Ibig sabihin, mas nababaon sa utang .
“Marami kaming nakakausap hindi na sila makakabayad sa renta ng bahay dahil may hinahabol na bayarin as Buy now pay later, parang debt trap."
Marami sa tumatawag sa Helpline ay mas nabaon sa utang dahil sa Buy Now Pay Later, at apektado din ang pambili sa importanteng bagay gaya ng pagkain, pambayad sa bills at renta sa bahay.
"Ang Buy Now Pay Later ay pwedeng gamitin sa mga essential na pangangailangan talaga," sabi pa ni Robson.
Kaya abiso nito, dapat humingi ng tulong o payo sa mga propesyunal na kagaya nila, o tumawag sa National debt helpline para matulungang i-manage ang pagka-baon sa utang o bayarin.
“Ang mga Financial counsellors sa National Debt helpline at sa buong Australia ay makakatulong sa mga customer na may problema sa Buy Now Pay Later. Kaya kung may problema dito tumawag lang sa National Debt Helpline at 1800 007 007.”
Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang money smart website.
BASAHIN/PAKINGGAN DIN