Nalampasan na ng "Kakulay" ang mga pagsubok ng panahon sa kanilang 12-taon na pagsasama bilang isang banda na labis na nagmamahal sa orihinal na Pilipinong musika.
Kilalanin ang mga miyembro ng banda na sina Dodjie Sandel (vocals), Beau Guerra (lead guitar), Jojo Tecson (bass), Noel De Leon (rhythm guitar) at Russel Guerra (drums) habang ibinahagi nila kung paano pinagtibay ng kanilang pag-ibig sa OPM ang kanilang pagsasama bilang isang banda.
Ang grupong Kakulay ay tampok bilang mga panimulang magtatanghal sa mga susunod na mga palabas sa Sydney: Typecast (05 Setyembre), Ely Buendia's show (07 Setyembre), Bamboo's "The Noypi Live" (12 Oktubre).





