Si Rod Serojales ay ang pinaka-bagong Multicultural Ambassador para sa komunidad Pilipino sa Ballarat. Kasama ang ilan pang mga multicultural ambassadors sa Ballarat mula iba't ibang komunidad, layunin nilang magbigay daan sa mas mabuting pakikipag-ugnayan at pagkakaibigan sa iba't ibang komunidad. Larawan: Ballarat Multicultural Council 2016-2018, kasama ang Filipino Multicultural Ambassador na si Rod Serojales, kanan-unang hanay (Ballarat city Facebook)
Sisimulan ni Rod ang kanyang dalawang-taong panunungkulan sa isang fund raising na salo-salo na naglalayong tumulong sa mga nangangailangan kasabay ng pagpapakita ng galing ng Pilipino maging sa kusina at entablado.
Share




