Mula sa kanyang kilalang karera bilang isang mang-aawit - gumanap bilang pangunahing boses sa mga banda na naglakbay sa Asya kabilang ang banda na "Serendipity" sa Pilipinas, hanggang sa paglipat ni Carl de Viilla sa Sydney noong taong 2012 kung saan nagtanghal siya kasama ng bandang M7 at Kayu sa iba't ibang mga lokasyon sa Sydney, ang musika ay malaking bahagi ng kanyang buhay.
Sa kanyang mala-teatrong boses siya ay gumanap din sa 42nd Street kasama ang The Regals Musical Society noong Mayo 2017.
Ngunit ang kanyang kamakailang sold-out na palabas bilang gumanap na Prince at Bruno Mars, ipinakita nito ang kanyang galing sa musika habang nagbibigay sa mga manonood ng pagkakataon na pakinggan ang mga kanta ng malalaking pangalan sa industriya ng musika habang nasa Australya.