Key Points
- Ang "mortgage cliff" ay tumutukoy pagtatapos ng mababang fixed-rate term ng mga homeowners na ngayon ay haharap sa mataas na interes na ipinatupad ng Reserve Bank sa nakaraang taon.
- Hinihikayat ng mga experto ang mga may utang sa bangko na makipag negosasyon sa kanilang lender para sa mas mababang rate.
- Tinatayang 800,000 home loans, na may halagang $350 billion, ang nasa fixed term na mauuwi sa mataas variable rate ngayong taon ayon sa Reserve Bank od Australia.
Simula noong 2016, libu-libong mga home loan options ang inilabas sa Australia na mayroong pansamantalang mababang interes na palugit. Karamihan sa mga mababang interest rate ay inialok noong kasagsagan ng pandemya.
Ngunit dahil malapit nang mawalan ng bisa ang mga kontrata na may mababang interest rate, inaasahang tataas ang buwanang bayarin o monthly repayments ng mga borrowers na tinatawag na mortgage cliff.
Ayon sa datos, higit sa 900,000 home loan ang natapos noong 2022, at inaasahan na higit sa 1.5 milyong loan ang matatapos sa loob ng susunod na dalawang taon.
Ayon sa pinakahuling tala ng Australian Bureau of Statistics, mayroong 4.2 milyong pamilya sa Australya ang mayroong mortgage. Sa mga homeowners na ito, marami ang nakinabang sa low-rate home loan na nagbibigay ng mababang interes sa loob ng napagkasunduang panahon.
Mga paraan para mapaghandaan ang mataas na monthly repayments
Nagbigay ng payo sa mga borrowers si Kreme Salvilla, isang property investor at finance broker sa Sydney na mag-ingat at suriin ang kanilang mga opsyon sa panahon na natapos na ang mababang interes na palugit.
So maraming paghihigpit ng sinturon, ganun din kung may mga unnecessary debts ka like mga credit cards na pwedeng i-close or pwedeng ma-reduce, makakatulong din yun. And most importantly, siguraduhin na tama yung loan structure mo and finance strategy na ineemploy according sa investment goals mo.
"Para maiwasan natin yung pagbenta ng property, general advice lang to, I would still suggest they seek help from their licensed professional. Baka may mga living expenses na pwedeng bawasan, like yung pagkain sa labas, ganun din yung mga holidays. Kung dati 4 times a year ang local holidays, baka pwedeng reduce. Another thing is pwede silang mag negotiate sa current lender, especially kung variable rate, baka makakuha ng discount sa interest rate."
Dagdag pa ni Kreme sa mga opsyong ito ang pag-iisip ng pag-refinance ng kanilang home loan. Sa pamamagitan ng paghahanap ng ibang loan provider na nag-aalok ng mas mababang interes rate, maaaring mabawasan ang pagtaas ng mga buwanang bayarin at maibsan ang mga gastusin na mabigat sa bulsa.
Ipinalala rin ni Jerry O'brien, isang mortgage broker, direktor at founder ng Mortgage Station ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga eksperto na magbibigay ng mga payo bago gumawa ng desisyong pang pinansyal.
"Very important na mayroon kang advisor sa tabi mo in matters relating sa finance, not so much on sa financial advisor, obviously that would be beneficial sa inyo, but yung mga credit advisor tulad namin as finance broker or tulad ng mga bankers kung direct kayo sa bank na nagpunta, you can talk to them about this. And say “look, ito yung situation ko. Ano yung mga pwede nating gawin?”.