Key Points
- Sa tuwing sasapit ang bagong taon ng mga Tsino, nakagawian na ng ilang mga Pinoy sa Pilipinas na makisaya.
- Isa sa madalas na inihahanda sa panahong ito ay ang paboritong tikoy.
- Para kay Michele Lozada, bukod sa kinalakihan niya ang tikoy, mahalaga rin ang sinisimbolo nito - ang patuloy na pagbubuklod ng mga pamilya.
Kinalakihan ni Michele Lozada ang tikoy lalo na sa tuwing sasapit ang bagong taon dahil sa mga regalo ng mga kaibigang Tsino ng kanyang pamilya.
"Dati ang tatay ko, he worked in a Chinese-owned company. Kapag New Year, may natatanggap kaming tikoy mula sa mga kaibigan niya sa trabaho," pagbabalik-tanaw ng ina mula Central Coast.
Sa paniniwala ng mga Tsino, inihahanda ang tikoy o Chinese New Year's cake, dahil sa mahalagang sinisimbolo nito - ang lagkit ng tikoy sana'y magbigki sa magandang pagsasamahan ng bawat isang pamilya.
"Wala kaming Chinese background. pero dahil sa noong bata ako lagi kaming merong tikoy, nasanay ako sa pagkain nito lalo na kung bagong taon," anang Industrial Engineering graduate na mula Maynila.

Michelle Lozada and her family. In celebrating Chinese or Lunar New Year, it is believed that tikoy's sticky feature symbolises the sticky or solid relation of the family and that the new year would bring the family to stick together. Source: Supplied by Michele Lozada
Ang tikoy o nian gao sa mga Tsino ay gawa mula sa malagkit na bigas, tubig at asukal.
Para sa mga Pilipino na sanay kumain ng tikoy, ito'y madalas na medyo matamis at madalas na hinihiwa ng manipis, inilulubog ng kaunti sa binating itlog bago prini-prito para maging malutong ang labas nito.

For many Filipinos, tikoy (nian gao) is usually thinly sliced then dipped in beaten egg and fried to become crispy in the outside and soft inside. Source: A. Violata
Naisip din niya na wala pa siyang nakikitang Asian shop sa kanilang lugar sa Central Coast na nagbebenta ng tikoy.
"Nag-search ako kung mahirap bang gawin ang tikoy. Madali lang naman pala siyang gawin."
"Nag-message rin ako sa mga dati kong ka-work na mga Chinese. Humingi ako ng tips at recipe on how to do it.
Sa kinalaunan, sa tulong at payo na rin ng kanyang hipag, ini-aalok na niya ang kanyang gawang tikoy sa mga kaibigan at kakilala.
"Since wala akong work, naisip ko na rin na gawin siyang small business para kahit paano makatulong sa family dito at sa PIlipinas."