Sa Pilipinas, tinawag itong Chinese New Year kung saan dati'y ipinagdiriwang lamang ng mga Tsino-Pilipino at nakasentro sa Binondo, isa sa mga pinakalumang Chinatown sa bansa. Ngunit habang tumatagal, dumarai na ang mga Pilipino na nakikibahagi sa mga pagdiriwang, tinatamasa ang pagkain ng tikoy hangga't sa kaya nila.
Ibinahagi ng Filipino-Chinese na si Ruth Genevieve Ong na ipinagdiriwang ng kanyang pamilya ang Chinese New Year sa bahay lamang sa isang simpleng hapunan na laging may nakahain na steamed fish at pampahaba ng buhay na mga noodles.

Chinese New Year celebrations in Manila Source: Flickr / Jojo Nicdao
"On New Year's Eve, usually, it's a simple family dinner. So merong mga steam fish, s'yempre yung mga longevity noodles para pampahaba daw ng buhay, fresh lumpia made by my lola," pagbabahagi ng mag-aaral mula University of Sydney.
"Fruits in particular apples and oranges fill up the table too," dagdag naman ng ipinanganak na Taiwanese na si Michelle Chen, na lumaki at nag-aral sa Maynila.

Steamed fish and some sticky rice cake on Lunar New Year in Taiwan Source: Supplied
Naranasan din ng dalawang matagal na na magkaibigan, na lumipat sa Taiwan pagkatapos ng kolehiyo, kung paano ipinagdiriwang ng mga Taiwanese ang Lunar New Year at kung paano ito naiiba sa kanilang nakasanayan sa Pilipinas.
Bilang ang pamilya ay sentro ng pagdiriwang, palaging may kasaganaan ng pagkain sa panahon ng Lunar New Year dahil ito ay isang paraan ng pagpapanatili na magkakasama ang mga pamilya sa pagdiriwang.

Ruth celebrating Chinese New Year with her two brothers Source: Supplied by RG Ong
"I think the difference, first is, the length of the celebration. Usually kasi sa Pinas, one day lang. Sa Taiwan, umaabot ng 10 days 'yung celebration nila," ayon sa naka-base sa Melbourne na estudyante na si Michelle Chen, at dagdag niya na karamihan ng mga Taiwanese ay umuuwi sa kanilang sariling mga lugar para ipagdiwang ang Bagong Taon kasama ang kanilang mga pamilya.
Ngunit sa kanilang paglipat sa Australya dalawang taon na ang nakalipas, humahanap ang dalawang magkaibigan ng mga espesyal na paraan upang ipagdiwang ang Lunar New Year bagaman maraming mga organisadong mga kaganapan sa mga lungsod para sa mga komunidad, ang pagiging malayo nila sa isa't isa at sa kanilang mga pamilya at kaibigan, ang mga kasiyahan ng Lunar New Year ay kailangan munang maghintay hanggang sila ay makauwi sa kani-kanilang mga pamilya.

Ruth Genevieve Ong (right) and Michelle Chen (3rd from right) with her two sisters celebrating last year's Year of the Pig in Sydney Source: Supplied by RG Ong
Basahin din