Paglilibot sa Pilipinas sa mata ng isang Italyanong manlalakbay

Port Barton

Island-hopping in Port Barton, Palawan Source: Giorgia Rapella Facebook/Terri Wright

"It was totally positive, I loved it and I'll go back tomorrow if I could!" ang buong galak na pagkukuwento ng unang pagkakataon na bumiyahe sa Pilipinas na si Giorgia Rapella tungkol sa kanyang kamakailang pamamasyal sa ilan sa mga isla sa bansa.


Ang layo ay maaaring hamon para sa mga taong mula sa mga kakanluraning bansa kapag isinasaalang-alang ang paglalakbay sa Asya. Kung kaya sa unang taon bilang isang internasyonal na estudyante sa Australya, sinamantala ng Italyanang si Giorgia Rapella na planuhin ang kanyang paglalakbay sa Asya - sa pagkakataong ito pinili na magtungo sa Pilipinas kasama ng isang grupo.

Nakapamasyal na sa ilang mga bansa sa Europa, ngunit nais ni Bb Rapella na masubukan ang isang tunay na lokal na karanasang Pilipino at kasama niya sa kanyang unang paglalakbay sa Pilipinas ang isang kaibigan.

Bilang bahagi ng kanilang group tour, nagtungo sila sa ilang mga dinarayo ng mga turista sa Palawan kabilang ang isa sa  New7Wonders of Nature - ang Puerto Princesa Underground River, at mga isla ng El Nido at Coron.

Ngunit ang pagbisita ni Bb Rapella sa Iwahig Prison at Penal Farm ay isa na hindi niya malilimutan. Ito ay isang karanasan na nagbukas ng mga mata para sa 21-taong gulang na taga-Kanluran na hindi pa kailanman nakakabisita sa bilanggo noon.
"It's kind of confronting and a lot of them (prisoners) committed major crimes, but others were, I won't say they didn't not commit a crime, but some people just, for example, stole a bicycle and they were imprisoned for 10 years. It's a long time."Image

Mga bagay na dapat subukan sa Pilipinas

1. Makisama sa lokal na komunidad

Subukang maranasan ang init ng pagtanggap ng mga lokal na residente. Sa pamamagitan lamang nito, magagawa mong matutunan nang higit pa ang tungkol sa mga tao at maunawaan ang kanilang paraan ng pamumuhay.
Community immersion
Italian student Giorgia Rapella (with eye glasses) with other travellers trying on shaving coconut fruits as part of their Philippine group tour (Supplied) Source: Supplied
2. Magpakasawa sa lokal na pagkain

Talagang mahusay na subukan ang lokal na pagkain - tulad ng lokal na inihaw na isda at litson. Para sa mga vegetarian, maaari kang magpakasawa sa mga prutas at gulay na maaari lamang makita sa lugar. Sa huli maaari mo ring magustuhan ang mga at magpasya na bumili at magdala sa iyong pag-uwi tulad ng kanilang mga tuyo mangga (dried mango) at mani.

3. Damhin ang kultura

Maging interesado. Gawin itong isang punto upang maki-ugnay sa kultura. Sa pamamagitan ng karanasan na ito makikita mo ang iyong sarili na magustuhan ang mga tao at ang kanilang kultura at maaaring maging dahilan ng iyong pagbabalik sa susunod na pagkakataon.

Mga paalala sa paglalakbay

1. Maging handa.

Ang pagiging handa para sa mga mahahalagang bagay - mga gamot o first-aid kit - ay nararapat sa lahat ng iyong mga paglalakbay sa anumang bahagi ng mundo. Ang pagdadala ng iyong sariling hygiene kit ay hindi rin makakasakit. Kung sakaling mag-kamping ka sa isang malayong lugar, hindi mo kailangang mag-alala sa paghahanap ng isang botika.

2. Magdala ng sapat na pera hangga't maaari.

Bagaman may mga makikitang ATM ngunit sakaling wala ang bangko o hindi maaaring makagamit ng credit card, mayroon kang pera na maaari mong gamitin kapag kailangan mo.

3. Pagdating sa pagiging konektado online, huwag masyadong umasa.

May koneksyon naman ng internet at wifi ngunit huwag asahan na ito ang pinakamahusay lalo na kung ikaw ay nasa mga isla. Gamitin ito bilang isang pagkakataon upang tamasahin ang mga gawaing panlabas.
Giorgia Rapella
Enjoying the zipline from one island to the other (Supplied G. Rapella) Source: Supplied by Giorgia Rapella
4. Kaligtasan at seguridad

Bilang isang dayuhan sa isang bansa, palaging mabuti na mag-ingat. Manatili na kasama ng isang pangkat ng mga tao sa lahat ng oras lalo na at ikaw ay nasa hindi pamilyar na mga lugar. Laging magkaroon ng kasama na maaari mong pagkatiwalaan at maasahan kapag naglalakbay.
Travelling to the Philippines
Travelling with a friend (Giorgia Rapella) Source: Supplied by Giorgia Rapella
5. Magsaya

Palaging layunin ng isang manlalakbay na magsaya at magpahinga sa ilang mga punto. Gamitin ang lahat ng pagkakataon upang gawin ito sa iyong mga paglalakbay - maging ito man ay sa mataong lugar o sa pinaka-malayong isla.
Puerto Princesa
Italian student Giorgia Rapella enjoying the view in one of the islands in Palawan (Supplied) Source: Supplied by Giorgia Rapella
BASAHIN DIN:



Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand