Hindi madali ang paglaki nang may impluwensya mula sa magkaibang kultura. Larawan: James Mangohig (kaliwa) at Joelistics (Supplied/Cesar Rodrigues)
Sa pamamahagi ng mga istoryang nagsisimula sa magka-ibang henerasyon, tinatalakay ng Filipino-Dutch-Australian na producer at manunulat ng kanta, James Mangohig, at ng Chinese-Australian MC at spoken word artist Joel Ma, ang kasaysayan ng kanilang mga pamilya sa Australia.
Mula sa pagtatatag ng kabuhayan sa dayuhang bansa, hanggang sa paglaki bilang "taga-labas", ibinahagi ni Mangohig at Ma ang ilang ala-ala sa pagtunton ng kanilang kakaibang pamana.
Sa pamamagitan ng mga litrato, video at orihinal na musikang linikha para sa palabas, inaalay ng dalawang alagad ng sining ang iilan lamang sa mga istorya na bumubuo sa mga karanasan ng mga Asian-Australian ngayon.
Karagdagang detalye dito: http://www.sydneyfestival.org.au/2016/in-between-two




