Ayon naman kay Adie na tatlong taon nang nasa Perth... Isang importanteng tradisyon na mukumpleto nila ang simbang gabi bilang isang pamilya.
Ang simbang gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos sa Pilipinas tuwing panahon ng Kapaskuhan. Tinatawag din itong Misa-de-galyo. Itinuturin ng mga Pilipinong Katoliko ang simbang gabi na paghahanda sa kapanganakan ni Hesukristo.
Dito naman sa Perth, ay patuloy na isinasabuhay ang kaugaliang ito. Masaya ang mga Pilipino na sa kabila ng pandemic ay malaya silang makakapunta sa mga simbahan upang makumpleto ang simbang gabi.
Patunay lamang ito na ang tunay na diwa ng pasko ay hindi lamang naka sentro sa pagbibigayan ng magagandamg regalo, kundi ang pagmamahalan at ang makaksa amg iyong mga mahal sa buhay na itinuturin mong pamilya.




