Sa Trending Ngayon ng SBS Filipino, selebrasyon ng kasarinlan ng Pilipinas sa Maynila dinaluhan ng iba't ibang personalidad kasama si Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo, 'taxi cab theory' tunay bang may mga kalalakihan na pasok sa teoryang ito?, at biglaang kasal ng aktor na si Carlo Aquino sa bago pa lamang na nobya na si Charlie Dizon ikinagulat ng marami.
Key Points
- Sa naging pagdiriwang ng kasarinlan ng Pilipinas sa Maynila noong ika-12 ng Hunyo dinaluhan ng iba't ibang personalidad kasama na ang bagong hirang na Miss Universe Philippines Chelsea Manalo.
- 'Taxi Cab Theory' ay nagkukumpara sa ilang kalalakihan na parang taxi - papasok lamang isa sa isang pag-ibig, hindi dahil sa pagiging handa sa komitment kundi base sa tiyempo o 'timing'.
- Sorpresang kasal ng mga aktor at aktres na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon ikinagulat ng maraming netizen.
Share




