Key Points
- Buhay na buhay ang diwa ng Pasko sa reverse carolling —isang makabagong anyo ng tradisyunal na pangangaroling kung saan ang mga umaawit ang siyang nagbibigay, sa halip na humihingi.
- Naging viral kamakailan ang isang video ng mga estudyante sa Nueva Ecija sa Pilipinas na nangaroling at namahagi ng grocery bilang aguinaldo, na umantig sa damdamin ng maraming netizens.
- Umabot sa mahigit 1.5 milyong views sa TikTok at libo-libong shares sa Facebook ang reverse carolling video ng MAPEH Club ng Zaragoza National High School, na namigay ng munting regalo sa mga higit na nangangailangan.
- Sa Australia, bagaman hindi uso ang carolling, ilang grupo ng mga Pilipino tulad ng Filipino Chaplaincy Diocese of Parramatta Young Adults Choir ang nangangaroling para makalikom ng pondo para ipantulong sa higit na nangangailangan.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.






