Sa Trending Ngayon podcast ng SBS Filipino, pinuri ng mga Filipino netizen ang Samoan-Australian actress na si Catherine Laga’aia sa pagyakap niya sa kulturang Pilipino sa pamamagitan ng fashion. Hinangaan ang bida ng Moana matapos nitong isuot ang modernong Filipiniana na likha ng Filipino designer na si Vania Romoff sa Tokyo press tour ng pelikula.
Key Points
- Ikinatuwa ng mga Filipino netizen ang pagyakap ni Catherine Laga’aia sa Filipino fashion matapos niyang isuot ang isang modernong Filipiniana na likha ng Filipino designer na si Vania Romoff sa Tokyo press tour ng 'Moana'.
- Trending ang 19-anyos na Samoan-Australian actress mula Sydney sa pagkakapili sa kanya para gumanap bilang Moana sa live-action adaptation ng Disney film.
- Napili si Catherine mula sa humigit-kumulang 32,000 aplikante para sa kanyang debut film, sa direksyon ng Emmy at Tony Award winner na si Thomas Kail at ng mga producer na sin Dwayne Johnson, Beau Flynn, Dany Garcia, Hiram Garcia, at Lin-Manuel Miranda.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.
Share





