Ayon kay Senador Trillanes, dalawa lang ang tingin niya sa paliwanag ng Malacanang na natulog ang Pangulo kaya hindi ito nakadalo sa ilang aktibidad.
Maaari aniyang may seryosong karamdaman ang pangulo at hindi na magampanan ang kanyang tungkulin sa bayan
Posible rin aniyang tamad at iresponsable ang Pangulong Duterte.
Para naman kay Senador Panfilo Lacson, mababaw na dahilan ang “power nap” para hindi siputin ng pangulo ang ilang aktibidad sa ASEAN Summit.
Sa tingin ni Senador Lacson, may ibang dahilan at maaaring sinadya talaga ito ng pangulo.




