Key Points
- Nagsalita sa harap ng Australian Parliament at nakipagpulong sa mga Australian officials si Pangulong Marcos sa dalwang araw na pagbisita sa Canberra.
- Lubos ang pasasalamat ng mga ahensya ng pamahalaan sa palaging pagtabi ng Australia sa Pilipinas sa paninindigan nito sa karapatan sa mga pag-aaring teritoryo.
- Magbabalik sa Australia mula ika-4 ng Marso hanggang ika-6 ng Marso, para dumalo sa 50 anibersaryo ng ASEAN-Australia dialogue partnership.
Nanindigan si Chinese Foreign Affairs Ministry spokesperson Mao Ning na Tsina patuloy na protektahan ang kanilang territorial sovereignty, maritime rights at interes sa rehiyon.
Aniya, ang posisyon ng Tsina sa South China Sea ay malinaw at hindi nagbabago
Sa halip, sila umano ang nababahala sa mga pinakahuling aktibidad ng Pilipinas sa South China Sea, na labag daw sa soberanya ng Tsina
Sa ibang balita, kinilala ng Australian Embassy sa Manila ang exceptional achievements ng mga Australia-educated Filipinos.
Ginawa ito sa annual Australia Alumni Excellence Awards 2024 sa ginanap sa the Peninsula Manila
Tinawag ni Australian Charge d’affaires Dr. Moya Collett ang mga Australia-Educated Filipinos na ito bilang mga ambassador na maituturing na haligi rin ng Australia-Philippine relations.
Kinilala bilang alumnus of the year si Dr. Dexter de la Cruz na nanguna sa development ng groundbreaking coral reef restoration techniques