Key Points
- Ang pagpapatuli ay bahagi ng kulturang Pilipino at naitala din ito sa Bibliya. Marami ding pag-aaral na nagsasabing benepisyo sa pagpapatuli.
- Ang pamilya ni Arnaldo Enciso mula Victoria ay patuloy na isinasapuso ang kultura at tradisyon ng pagka-Pilipino, binaliwala ang gastos maisagawa lamang ang pagpapa-tuli sa anak sa Australia.
- Karamihan sa mga Filipino-Australian na may anak na lalaki ay naghahanap ng Pilipinong GP o doktor para magsagawa ng tuli.
- Ayon kay Dr Angelica Logarta-Scott isang GP mula Sydney ang pagpapatuli ay isang personal na desisyon ng bata at ng mga magulang o pamilya, batay sa kanilang kultura at paniniwala.
Hindi maitago ng amang si Arnaldo Enciso mula Victoria, Australia ang saya matapos ang pagsasagawa ng pagtuli ng kanyang nag-iisang anak na lalaki.
Sa Pilipinas ang unang napagkasunduan ng pamilya na isagawa ang proseso pero dahil sa pandemya napag-desisyonan ng pamilya dito sa Australia sila dapat maghanap ng doktor.
Inamin ni Arnaldo pahirapan ang paghahanap ng Pilipinong doktor o GP na magsasagawa ng tuli sa anak.
"Kampante ako na Pilipinong doktor ang gagawa, at hindi ako nabigo masaya," kwento ng amang si Arnaldo.
Dagdag ni Arnaldo, may kamahalan ang pagpapatuli dito sa bansa pero baliwala ito dahil sa natapos na ang kanilang responsibilidad na isagawa ang pagpapatuli sa anak alinsunod sa kulturang Pilipino at sa kanilang pananampalataya sa Bibliya.

Ang pagpapatuli ay isang personal na desisyon ng pasyente at mga magulang batay sa kanilang kultura at paniniwala. Credit: Dr Angelica Logarta-Scott
Isang minor operation ang pagtuli, kung saan inaalis ang pinaka-ibabaw na balat sa ari ng batang lalaki, para madali itong linisin at makaiwas sa mapanganib na sakit.
Dapat maunawaan ng bawat isa sa kanila ang kahalagahan ng pagtuli,kaya mainam na makipag-usap sa GP bago isagawa ang operasyon.
" Ang pagpapatuli ay may medikal na benepisyo batay sa ginawang mga pag-aaral, first it reduce the risk of urinary track infection, reduce the risk of sexually transmitted infection, reduce risk of penile cancer and improves hygiene."
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.