'Ubos ang oras, pera, at lakas': Ano ang suliranin ng mga nasa rehiyon sa pag-access sa serbisyo ng gobyerno

SBS FILIPINO IN TOOWOOMBA

Filipino community members say many migrants in regional areas remain unaware of essential support services due to limited outreach and localised information. Credit: Matt Ryan MRP Images

Para sa maraming Pilipino sa regional towns ng Queensland, ang simpleng proseso ng pagkuha ng isang dokumento o serbisyo mula sa gobyerno mula Australia man o Pilipinas ay nangangahulugan ng mahabang biyahe, gastos sa pamasahe at pagliban sa trabaho.


Key Points
  • Sa panayam ng SBS Filipino, ibinahagi ng ilang kababayan natin ang realidad sa pamumuhay sa bayan ng Roma, Dalby, at Toowoomba na tatlo hanggang anim na oras ang layo mula Brisbane.
  • Ayon sa mga residente, matapos makalipat sa Australia, hindi na nasusubaybayan ang welfare ng mga Pilipino sa rehiyon. Walang mekanismo para i-monitor kung nakakakuha sila ng serbisyo o hindi.
  • Naniniwala ang mga eksperto at lider na kailangang isama ang mga komunidad sa pagpaplano ng mga programa para masigurong epektibo at akma sa kanilang kalagayan.
"Land of Opportunity" kung ituring ng marami ang Australia. Isang bansang may maayos na sistema, mataas na kalidad ng pamumuhay, at maraming oportunidad sa trabaho. Ngunit sa kabila ng magandang imahe nito, marami pa ring mga migrante sa mga rehiyong lugar ang patuloy na humaharap sa iba’t ibang hamon sa kanilang bagong buhay sa ibayong dagat.

Distansya, kakulangan sa impormasyon, at limitadong akses sa serbisyo ang ilan lamang sa mga hamon partikular sa mga rehiyonal na lugar.

Hindi lamang mga serbisyo mula sa gobyerno ang mahirap maabot, pati ang serbisyong pangkalusugan ay may mga limitasyon.

Pagdating naman sa consular services mula sa pamahalaan ng Pilipinas, marami pa ring Pilipino ang nahihirapan dahil sa mano-manong proseso at kawalan ng mga digital platform.

Ang SBS Filipino ay nakipag-ugnayan at naghihintay ng opisyal na pahayag mula sa Philippine Consulate Office at Philippine Embassy kaugnay ng kanilang tugon o komento sa usaping ito.


📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand