Key Points
- Karaniwang dahilan kung bakit hindi naaprubahan ang visitor visa ay hindi napapatunayan ang intensyon na bumalik sa panggagalingang bansa ayon sa Immigration Lawyer na si Reyvi Mariñas.
- Sa kanyang personal na opinyon, mas praktikal na mag-apply na lang ng bagong visitor visa imbes na umapela dahil mahaba anya ang proseso at magastos.
- Kung sakali anyang uulit ng aplikasyon, siguraduhin na magdagdag ng ebidensya na kinakailangan para hindi lang maulit ang refusal.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent.