Umuusad na ang Divorce Bill sa Kongreso ng Pilipinas

love-699480_1280.jpg

Batayan din ng divorce ang irreconcilable marital differences, o ang irreparable breakdown ng kasal. Credit: Image by James Chan from Pixabay

Lusot na ang consolidated bill sa pagpapatupad ng divorce sa Pilipinas, sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, na pinangungunahan ni Senador Risa Hontiveros.


Key Points
  • Sa Senate Bill 2443, pinalalawak ang grounds o mga batayan para sa pagpapawalanb-bisa ng kasal na nagbibigay-daan sa divorce.
  • Nakasaad sa panukala na sa kabila ng pag-protekta ng estado sa pamilya, tungkulin din ng estado na isulong ang dignidad ng bawat indibidwal, kilalanin ang human rights at equality ng lalaki at babae.
  • Nakasaad din sa panukala na maaaring mag-file para sa divorce ang kahit na sino sa mag-asawa, kung hiwalay na sila sa loob ng limang taon, at kung naisagawa ang rape, o pinilit na makipagtalik ang petitioner-spouse.
Batayan din ng divorce ang irreconcilable marital differences, o ang irreparable breakdown ng kasal.

Pinatitiyak naman sa gustong mag-divorce na mag-asawa ang isang joint plan para sa parenthood para sa kanilang mga anak, para matiyak ang kanilang mga karapatan at interes.

Sa ibang balita, Naisampa na ang kasong administratibo laban sa mga tauhan ng Office for Transportation Security o OTS na dawit sa umano’y pagnanakaw at paglunok umano ng tatlongdaang US dollar bill ng isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Habang, nakalbo na ang mga coral reef sa Escoda Shoal at Rozul Reef sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas sa South China Sea.

Sa video na kuha ng UP Marine Science Institute o UP-MSI sa bahagi ng Rozul Reef noong May, 2021, masigla at buhay na buhay pa ang mga coral reef na pinamumugaran ng iba’t ibang uri ng isda.

Ngunit Hulyo ngayong taon, halos nakalbo na ang mga coral reef doon.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand