Key Points
- Ayon sa gobyerno ang kasalukuyang batas, ang buy now, pay later' (BNPL) services ay kulang sa affordability checks na mahalagang ginagawa katulad sa mga credit cards at iba pang loans.
- Ang panukala na inihain ni Assistant Treasurer Stephen Jones ay layong makabuo ng malakas na proteksyon para sa mga indibidwal na gumagamit ng credit lenders.
- Lumabas sa isang 2022 survey ng isang women and children charity na Good Shepherd na 73 per cent ng mga practitioners ang nagsabing ang mga kliyente ay hindi nakabayad sa mga utang sa BNPL.
- Napag-alaman din sa nasabing survey na 84 per cent ng mga practitioner ang nag-ulat na ang mga kliyenteng may mga utang sa BNPL ay nagbukas muli ng dagdag na BNPL account para mabayaran ang utang.