Vox Pop: Anong mga oportunidad ang binigay ng Australya sa'yo?

Filipino migrants share how they overcame struggles as old and new migrants in Australia, and the benefits they are now enjoying.

Filipino migrants share how they overcame struggles as old and new migrants in Australia, and the benefits they are now enjoying. Source: SBS Filipino

Ibinahagi ng mga Pilipino kung paano nila nilabanan ang mga hamon bilang mga bago at matagal ng migrante sa Australya, at ang mga benepisyo na ngayon ay kanilang tinatamasa.


AJ Gregorio

Dumating si AJ Gregorio at ang kanyang pamilya sa Australya noong Setyembre 26, 1996.

Ibinahagi niya na ang pinakamalaking hamon niya dati ay ang maging pamilyar sa paraan ng pamumuhay sa Australya.

Bagama't medyo matagal bago siya naka-angkop, walang katapusan naman ang mga oportunidad na kanilang natanggap bilang pamilya pagdating sa trabaho, pag-aaral at kalusugan.

" Australia gave us plenty of opportunities in work, studies, health and I'm proud that I'm from Melbourne because it's the most liveable city in the world," sabi ni Mr Gregorio.
SBS Filipino
Source: SBS Filipino

Mai Rivera

Si Mai Rivera ay isang international student na kumukuha ng diploma in project management.

Kakarating lamang ng ilang linggo, sabi niya na ang pag-aral sa Australya ay nagbigay sa kanya ng oportunidad na makisama sa ibang mga komunidad.

" It's a diverse community, the people are very welcoming plus there are jobs for international students like me," sabi ni Ms Rivera.

Higit sa paghahanap ng matutuluyan o trabaho, pangunahing hamon sa kanya bilang bagong migrante ay ang patuloy na pag-convert ng kanyang mga gastos sa Philippine peso.
SBS Filipino
Source: SBS Filipino

Lorna Natividad

Dumating sa Australya ang retiradong bank teller na si Lorna Natividad tatlumpu't apat na taon na ang nakaraan.

Pagkatapos magretiro ay nakahanap siya ng bagong pasyon sa pagpipinta.

Nakatanggap siya ng maraming parangal para sa kanyang mga gawa, habang ang pininta niyang "The Outback" ay napili bilang cover picture ng congratulations card ng distrito ng Dandenong.

Ang pagtira niya sa Melbourne ay nagbigay sa kanya ng oportunidad na madiskubre ang nakatagong galing at maabot ang mga malaking bagay.

" If I was back in my country I will not make it and I really didn't realise like this painting that I can do it," sabi ni Ms Natividad.
SBS Filipino- Ms Lorna Natividad at the 2019 Philippine Festival presenting her works
SBS Filipino- Ms Lorna Natividad at the 2019 Philippine Festival presenting her works Source: SBS Filipino

Carlo Peña

Naging hamon para kay Carlo Peña ang kalungkutan, paghahanap ng trabaho at kultural na asimilasyon sa kanyang unang buwan sa Australya.

" The first month  was hard, it was hard to find work and it's hard to adjust with their culture but I tried to enjoy it with my new friends at school and some other people I meet, I also felt homesick but it's okay since I talk to my family over Facebook messenger," sabi ni Mr Peña.

Bagama't nasa proseso pa siya ng pag-adjust, tinitingnan niya ang mga hamon bilang oportunidad para sa kanyang paglago.

" I'm grateful because I can do things here that I can't do in the Philippines and I'm proud to say that I can live here independently," sabi ni Mr Peña.
SBS Filipino
Source: SBS Filipino
BASAHIN DIN:

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand