Highlights
- Binigyan ng exemption ang pagususot ng face mask tuwing nag-eehersisyo
- Magkakaroon na ng pagluluwag sa transitioning period upang mapanatili pa rin ang kaligtasan sa estado
- Simula sa Linggo, maari nang tumanggap ng mas maraming customer ang mga hospitality venues
Bagaman mandatory ang pagsususot ng mask, inalmahan naman ng mga lokal ang ang pagsusuot nito kapag nag eehersisyo.
Base umano sa panuntunan ng World Health Organisation ay hindi naayon ang pagsusuot nito lalo pa’t nakaka-apekto ito sa oxygenation.
Dahil dito ay binigyan ng exemption ang ang ilang mga taga WA sa kondisyon na dapat ay nag eehersisyo.
Samantala, dahil walang panibagong kaso ng COVID-19 sa Western Australia matapos ang isang linggo ng lockdown, magkakaroon na ng pagluluwag sa transitioning period upang mapanatili pa rin ang kaligtasan sa estado.
Pagpatak ng alas dose uno ngayong darating na linggo sa araw ng mga puso ay maari nang tumanggap ng mas maraming customer ang mga hospitality venues tulad ng restaurant at bars ganun din sa mga sinehan at community centres alinsunod sa 4 square meter rule.
Maari na rin ang 150 capacity sa kasal, funeral, pati na ang indoor at outdoor community sports centre.
Masaya naman ang mga taga Western Australia sa maingat na pagpapatupad ng lockdown at sa kasalukuyan ay wala pa ring naitatalang bagong kaso ng virus.
Pero paalala pa rin ng pamahalaan na panatilihin ang pagsusuot ng mask, at paghuhugas ng kamay.




