Isang tao sa Queensland ang nasa malubhang kalagayan matapos ito matumbahan ng isang malaking puno na gum tree; Dalawang mga binatilyo na nagmamaneho ng dirt bikes noong weekend ang nagsulpukan sa isang track sa bushland sa Coomera na nauwi sa pagkamatay ng isa sa kanila; Isang café sa Sunshine Coast ang binibigyang pansin ng mga turista ngayon dahil sa pagsisilbi nito ng kakaibang kape nang may di pangkaraniwang sangkap - ang Glass House Grind sa Sunshine Coast Hinterland ay anim na buwan pa lamang kakabukas ngunit ang menu nitong camelchino ay nakatatawag-pansin sa mga café food connoisseurs dahil sa sangkap nitong gatas ng kamelyo na kinikilalang napakaganda sa kalusugan, masarap at ligtas sa mga may lactose intolerance.



