Ngayong araw na ito ay simula ng National Diabetes Week na magbibigay puna sa nakakabahalang rekord ng dami ng pagputol ng bahagi ng katawan dahil sa diabetes. Sa New South Wales lamang, mahigit sa tatlong kaso ang nangyayari bawat araw ayon sa Diabetes NSW. Larawan: insuline testing (AAP)
Hinihikayat ng mga awtoridad ang mga may diabetes o iyong hindi nila alam na mayroon sila na bigyan pansin ang maliit na sugat na matagal maghilom dahil ito ay maaring lumalang kundisyon ng diabetes
Nakapanayam natin si Rod Dingle, matagal nang may diabetes at masugid na binabantayan ang kanyang kundisyon para ipaalala sa ating mga kababayan kung ano ang dapat gawin para hindi na mauwi ang kasakitan sa anumang pagputol ng daliri, paa, o kamay dulot ng diabetes.
Share


