Ang Mr. Edwin's Cafe sa Shepparton, Victoria ay ang nag-iisang Filipino café sa lugar na naging tagpuan ng iba’t ibang komunidad, mula sa mga Pilipino hanggang sa mga Australyano. Sa kabila ng mahirap na simula, unti-unti itong naging paboritong tambayan ng mga lokal.
Key Points
- Ang Shepparton ay bahagi ng Greater Shepparton, isang rehiyong kilala bilang “Food Bowl of Australia,” na may mahigit 7,000 lokal na negosyo at isang lumalaking food economy, ayon sa vic.gov.au website.
- Kabilang ang Edwin’s Café na pinamamahalaan ni Angel Vales (asawa ni Edwin Vales), na naging bahagi ng lokal na community hub kung saan nagtatagpo ang mga Pilipino at Australian customers.
- Mula sa maliit na simula, umabot lamang sa $93 ang benta nito sa unang araw ng operasyon.
- Sa paglipas ng mga buwan, unti-unti itong nakilala sa rehiyon ng Victoria at patuloy na gumagawa ng mga pagkaing Pinoy na nais nilang ipakilala sa komunidad.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.





