KEY POINTS
- Sa ulat ng University of New South Wales at ng Australian Council of Social Service, ang kayamanan ng sampung porsyento ng mga mayamang Australyano ay tumaas ng walumput apat na porsyento sa nakaraang dalawang dekada.
- Sa pananaliksik ng Real Estate Institute of Australia lumabas na ang mga bahay ay overvalued ng dalawanput siyam na porsyento kung kaya't ang wealth gap ay dulot ng mabilis na pagmahal ng mga presyo ng bahay o real estate.
- Ilan sa mga potensyal na polisiyang inirekomenda ng pamahalaang pederal upang makatulong bago paman ang May budget ay ang mas matatag na suporta sa sahod, pagpapababa ng mataas na income tax concession at reporma sa mga pabahay.




