Key Points
- Malaking tulong sa Pilipinas ang mungkahi para joint patrol sa gitna ng mga tensyon kaugnay sa pag-aangkin ng teritoryo sa South China Sea, partikular sa China
- Bahagi ito ng pagpapaigting ng Pilipinas at Australia ng kanilang Defense at Security Cooperation
- Saklaw nito ang mga maritime issues at ang pagsugpo sa terorismo
Sinabi naman ni Pangulong Bongbong Marcos na mahalaga sa Pilipinas ang pagbisita ni Australian Deputy Prime Minister Marles dahil pagpapakita ito ng malakas na alyansa ng dalawang bansa.
Sa ibang balita, Nahirapang kunin ng retrieval team ang mga labi ng apat na sakay ng cessna plane na bumagsak sa dalisdis ng Bulkang Mayon sa Albay. Sakay nito ang dalawang Australian na executives ng isang energy company, sina Simon Chipperfield at Karthi Santhanam na consultants ng Energy Development Corporation. Kasama din ang piloto ng cessna plane sina Captain Rufino James Crisostomo Jr at Joel Martin




