Highlights
- Ang Skilled Independent Subclass 189 Visa ay Points-tested na magbibigay ng permanent visa para sa mga aplikante na may skills qualification at trabaho na in demand at may kakulangan ng suplay sa Australia.
- Maiging i-check ang Medium and Long Term Strategic Skills List kung pasok ang trabaho mo.
- Ayon sa Registered Migration Agent na si Em Tanag, hindi kailangan ng show money at walang bayad ang Expression of Interest bagaman may mga kailangan bayaran sa assessment depende sa trabaho na inonominate at may visa fee na mahigit 4,000 AUD.
Pakinggan ang audio:
Tinitingnan ni Gino Africano na isang Mechanical Engineer mula Cebu ang kanyang mga opsyon sa pangingimbang bansa at napipisil nito ang Australia.
Walang sponsor si Gino kaya ang Skilled Independent Subclass 189 Visa ang kanyang nais na aplayan.
Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent sa Australia.

Gino Africano, Mechanical Engineer from Cebu Philippines Source: Gino Africano