May ilang simbahan sa Australya ang nag-bukas ng kanilang mga pinto para sa mga humihingi ng pagkanlong, kasama ang mga bata kaugnay ng panganib na mapabalik sa Pacific Island ng Nauru. Larawan: Ang Anglican Dean ng Brisbane Dr Peter Catt sa St John's Anglican cathedral sa Brisbane (AAP)
Ang alok ay pinangunahan ng Anglican Dean ng Brisbane, Peter Catt matapos ang nabigong kaso sa Korte Suprema ng mga abugado para sa grupong nagsasabi na sila'y nasa panganib ng pang-aabuso at trauma sakaling mapabalik sila sa immigration detention sa Nauru.
Ano nga ba ang kahulugan ng kanlungan o sancturio? Saan ito nagmula at mayroon ba itong basehang legal sa Australya?
Share




