Mga maaaring gawin ng mga magulang tungkol sa bullying

Bullying in school

Bullying in school Source: Getty Images

Halos isa sa apat na batang Australyano ay nakaranas ng pambu-bully o pananakot sa paaralan. Bilang isang magulang, mahalagang malaman kung ang iyong anak ay biktima ng bullying o sila mismo ang nambu-bully.


Ang pambu-bully o pananakot ay nangyayari kapag ang isang tao ay nananadya at paulit-ulit na nagdudulot ng pinsala sa isang tao na mas mahina kaysa sa kanila.

“Bullying can take forms that are physical like pushing or kicking. Bullying can be verbal such as threatening someone or teasing them in a nasty way. And bullying can be covert or social, so that includes spreading nasty rumours about someone or humiliating someone in a social situation. And of course, we know that bullying can be a problem online,” sabi ni  Jessie Mitchell, Senior Advisor sa  Alannah & Madeline Foundation.
Unyanyasaji shuleni
Mwanafunzi anyanyaswa shuleni Source: Getty Images

Ano ang maaari mong gawin kung ang iyong anak ay biktima ng bullying

“One of the challenges is that children sometimes don't want to tell parents that they're being bullied because the parent might take their device away if it's cyberbullying or the parent might go down to the school. So the really key thing, first of all, is to really listen to what's going on,” ayon kay Andre Carvalho., CEO ng Bully Zero.

Inirerekomenda niya na alamin ang mga magulang ang sinyales o kung may nabago sa  pag-uugali ng iyong anak tulad ng mga pagbabago sa pattern ng pagkain at pagtulog, madalas na pag-iyak o pagkagalit, mga hindi maipaliwanag na pasa at sugat, at walang ganang pumasok sa paaralan tuwing umaga.

Kung sinabi ng iyong anak na binu-bully sila, mahalagang manatiling kalmado at ipaalam sa kanila na tama ang ginawa nilang hakabang na  magsabi  sayo.

Hilingin sa kanila na ikwento ang buong pangyayari at ipaliwanag sa kanila na ang pambu-bully o pananakot ay hindi tama at sabihin sa kanila na normal lamang na makaramdam ng pagkabahala.
Father sitting with serious teenage boy
پدری در حال صحبت با پسر ۱٣ ساله‌ خود Source: Getty Images
Inirerekomenda ni Jessie Mitchell na hikayatin sila na huwag maging agresibo laban sa mga nambubully sa kanila para maiwasang lumala pa ang sitwasyon: “There's no magic way to stop bullying, but some children find it helpful to use avoidance or humour or to act bored or unimpressed or just let the person who's bullying them know in a clear way that their behaviour is stupid. And having friends who support you is also very helpful.”

Sinabi niya na dapat makipag-ugnayan sa paaralan na pinapasukan ng iyong anak upang talayin ang sitwasyon. Magtakda ng appointment at at maghanda ng listahan ng mga insidente na binanggit ng iyong anak.

Ang bawat paaralan sa Australya ay mga patakaran laban sa bullying (na madalas makikita sa website nito) kaya maging handa sa pamamagitan ng pagbasa ng dokumento bago ang iyong pulong.

Nais din ng paaralan at guro na matigil ang bullying kaya’t alalahanin mo na sila ay kakampi mo at layon din nilang makatulong sa iyo.

Ano ang maaaring gawin tungkol sa cyberbullying

Kadalasang nagyayari ang bullying sa paaralan, subalit ngayon laganap na rin ito online.

“For a lot of parents, when they were growing up, they might have experienced bullying at school, at social functions, that sort of thing. But when they got home, home would be their safe place where they wouldn't have to deal with that anymore. Yet, for young people, because they're always connected, the bullying, it can feel like it never stops. When they're at home, they might be receiving messages and seeing things online,” paliwanag ni Belinda Beaumont, Kids Helpline Counsellor.
girl in bed texting on smartphone
دختربچه‌ای در حال فرستادن پیام از روی بستر خوابش Source: Getty Images
Kung nangyari ang pambu-bully online, maaari ring mag-report sa website kung saan naganap ang insidente.

Kung hindi matatanggal sa website ang content, maaaring mag-report sa eSafety commissioner at gamitin ang online reporting tool, kung saan mayroon silang 100% compliance rate.

Anong maaari mong gawin kung ang iyong anak ang nambu-bully

Maaari ring mangyari na ang iyong anak ang nambu-bully. Kung ito ang kaso, importante na manatiling kalmado at seryosohin ang sitwasyon. 

“You need to let your child know that this is serious and that you'll help make sure by providing help to your child that it will not continue. However, it's important that you don't lecture; a simple statement will really help you to get your point across better. 'I need you to know that bullying is unacceptable and that it must stop',” sabi ni Carvalho.
Two school girls (11-12) whispering and laughing at another girl (12-13), focus on front girl
دو دختر نوجوان در حال بدگویی و خنده دربارۀ یک دختر نوجوان دیگر Source: Getty Images
Para malaman ang ugat ng problema, subukang unawain kung bakit ganoon ang naging pag-uugali ng iyong anak. “Talking it over can be really helpful to find out if the child is upset, jealous, unhappy or perhaps is being bullied themselves,” dagdag ni Carvalho.

Siguraduhing alam din ng kinauukulan sa paaralan ang nangyayari at subukang makipagtulungan sa kanila para masolusyunan ang problema.

Mga kapaki-pakinabang na impormasyon

Kung ang iyong anak ay binu-bully o na-bully, maaaring mabuti sa kanila na makipag-usap sa counsellor sa kanilang paaralan o sa pamamagitan ng Kids Helpline.

Bilang isang magulang, maaari din makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa bullying sa pamamagitan ng  Kids HelplineLifeline at Parentline, kung saan mayroon silang mga tagasalin sa iyong wika.

Maaari ding makahanap ng impormasyon tungkol sa pambu-bully sa iba’t-ibang wika online tulad ng website ng Alannah & Madeline FoundationBullying No Way at Reach Out. Mayroon ding impormasyon tungkol sa online safety sa website ng eSafety Commissioner.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mga maaaring gawin ng mga magulang tungkol sa bullying | SBS Filipino