Susuriin ng isang bagong serye ng SBS na 'The Idea of Australia' ang mga nakasanay at nakagisnang paniniwala't kultura sa Australia upang bigyang-liwanag ang pagkakakilanlan ng mga Australyano. Pangungunahan ng Academy Award nominee na si Rachel Griffiths ang pagtuklas sa mayamang kasaysayan at ang kahulugan ng pagiging isang Australyano sa kasalukuyan.
Key Points
- Mapapanood ang The Idea of Australia simula Miyerkules, 15 Oktubre sa SBS at SBS On Demand, tampok ang apat na episode na tatalakay sa mga kwento at kultura ng Australia upang maunawaan kung paano nabuo ang pagkakakilanlan ng bansa.
- Ang matapang at mapangahas na serye na may apat na episode ay tatanungin kung ano ang ideya ng Australia at paano tayo matututo mula sa nakaraan upang maging matibay at malakas sa ika-21 siglo.
- Pangungunahan ng Academy Award nominee na si Rachel Griffiths ang pagtatanong at kasamang sasagot ang higit 60 personalidad sa larangan ng pulitika, pelikula at mga historian at eksperto.
Tatalakayin ng serye ang kasaysayan, mga hamon, at pagbabago ng Australia sa paglipas ng panahon, at sasagutin kung paano maaaring gamitin ang mga aral ng nakaraan upang mas mapaunlad ang bansa sa modernong panahon.
Share




