Ipinapakilala ng SBS ang Tell Me What You Really Think, isang matapang at tapat na serye kung saan magho-host si Marc Fennell ng mga dinner-table conversations tungkol sa mga sensitibong usaping pangkalusugan gaya ng ADHD, obesity, pagtanda at menopause.
Key Points
- Mapapanood ang Tell Me What You Really Think simula Martes, 14 Oktubre sa SBS at SBS On Demand, tampok ang apat na episode na tatalakay sa mga usaping madalas iwasan ng marami.
- Sa bawat episode, limang iba’t ibang panauhin gaya ng mga drag queen, artista, atleta at doktor na magsasama-sama para sa mga tapat, nakakatawa at personal na pag-uusap.
- Ginawang personal ni Marc Fennell ang serye sa pamamagitan ng pagbabahagi ng sarili niyang karanasan: mula sa kanyang ADHD diagnosis hanggang sa mga isyu sa body image at pagtanda.
Share




