Para sa bagong mang-aawit na si Samantha Llorando, ang una ang kanyang pinipili.
Matapos lumisan ng Pilipinas at manirahan sa Australya nang siyam na taong gulang siya, natigil ang kanyang pagkanta. At apat na taon pa lamang ang nakalilipas nang ang kanyang pagmamahal para sa musika ay muling nabuhay sa isang konsyerto sa Sydney ng Pilipino-Amerikanong mang-aawit na si Jam Morales.
Unti-unti sa pamamagitan ng mga lesksyon sa pag-awit, si Samantha, ngayo'y 16 na taong gulang na, ay handa na sa wakas na tahakin ang landas upang sundin ang kanyang hilig sa pagkanta.

Samantha Llorando (SBS Filipino) Source: SBS Filipino