Highlights
- Ayon kay Sarah, isang Pilipinang taga-Victoria, susunduin niya dapat ang kanyang kaibigan sa Sydney sa susunod na linggo.
- Umaasa siya na makakakuha ng flight ang kanyang kaibigan papuntang Melbourne.
- Naglista ang Service NSW ng mga kaso kung saan maaaring payagang kumuha ng permit para makatawid sa hangganan.
Simula 12:01am ngayong araw, hinarangan na ng NSW Police at militar ang mga kalsada sa hangganan ng VIC-NSW.
Kahit flexible pa daw ang mga panuntunan sa unang 72 na oras, nagkaroon ng kaguluhan at pagkalito dahil sa bilis ng desisyong ito.
"I was scheduled to pick up my friend and her child in Sydney. This is their first trip to Australia and they just completed their hotel quarantine," saad ni Sarah, isang Pilipina mula Denison, VIC.
Aniya, walang kilala ang kanyang kaibigan sa Sydney at hindi nito alam kung ano ang gagawin nito.
Umaasa si Sarah na makakalipad ang kanyang kaibigan patungong Melbourne; ngunit, dahil sa pandemya at pagsara ng hangganan, nabawasan ang mga flights sa pagitan ng dalawang estado.
"If my friend can't find a flight, we need to apply for a permit so we can cross the border to pick her up. We're waiting for more information regarding permits and if we are eligible."
Ayon sa Service NSW website, ang mga sumusunod ang maaaring mag-apply para sa permit:
- residente ng NSW na uuwi
- isang cross-border resident
- miyembro ng parlyamento o staff member
- isang consular official
- isang seasonal worker
- estudyante sa isang NSW boarding school o unibersidad sa NSW at/o magulang ng estudyante
- carer ng isang indibidwal na papasok ng NSW
- indibidwal na magbibigay ng kritikal na serbisyo, gaya ng:
- freight at logistics
- maintenance at repair ng kritikal na imprastraktura
- medikal or pangangalaga sa ospital
- mining, agrikultura, construction, engineering o manufacturing
- Commonwealth defence at security services.
Kasama rin ang mga indibidwal na:
- dadaan sa NSW upang makauwi sa kanilang sariling estado o teritoryo
- papasok para sa child access at care arrangements
- nag-aapply para sa compassionate grounds (halimbawa, pagbisita sa isang taong may malubhang sakit). Kinakailangang mag-apply sa NSW Health para sa Compassionate permit exemption code bago mag-apply para sa border entry permit.
BASAHIN / PAKINGGAN DIN