Highlights
- Ang Brimbank at Darebin ay nasa listahan ng mga COVID-19 hotspots sa Victoria.
- Na-enjoy ng Delahey resident na si Dino Medina ang pagtatrabaho sa opisina; ngunit, kinalangan niyang magtrabaho agad mula sa bahay ng malaman sa trabaho na nakatira siya sa isang hotspot.
- Tinanggal ni Honey Chua ng Reservoir mula sa daycare ang kanyang mga anak ng may mag-positibo na bata sa centre.
"It's not fair. I've been so responsible since the outbreak. Why am I the only one who has to work from home?"
Nagtatrabaho si Dino Medina sa Melbourne CBD; ngunit kahit gaano siya kalusog o kaingat sa pag-iwas sa sakit, ang isa sa nakaapekto sa takbo ng kanyang trabaho ay ang kanyang postcode.
Delahey, 3037 (City of Brimbank)

Dino Medina of Delahey Source: Dino Medina
Dahil dito siya nakatira, agad-agaran siyang sinabihan ng kanilang director na magtrabaho na lamang sa bahay. Kahit naiintindihan niya ang pag-aalala ng iba, nagulat siya sa bilis ng stigma na kanyang naramdaman.
"My workmates kept on asking if I lived near Keilor Downs [where there is an outbreak]. They asked where my kids go to school. It was a bit intimidating."

Dino Medina and family Source: Dino Medina
"But even if I feel healthy, if the authorities do door-to-door testing in our area, I have no problem with it. I'll do the responsible thing."
Reservoir, 3073 (City of Darebin)
Para sa nagdadalang-taong ina na si Honey Chua, ang pinaka-responsableng desisyon ng maaari nilang gawin bilang pamilya ay magpa-test at manatali sa bahay.
“Routine-wise, for us, it's no going out. We only do supermarket delivery again. Apart from that, we're vigilant with hygiene practices."

Honey Chua and family Source: Honey Chua
Pinagdesisyunan din ni Honey at ng kanyang asawa na tanggalin muna ang mga bata sa daycare noong magkaroon ng positibong kaso sa centre kung saan nagpupunta ang kanyang isang anak.
"I was really concerned. When we found out, it hit close to home; so I'm not taking the kids to school."
Naka-long service leave ngayon si Honey at mas panatag ang loob niya kung mananatili muna siya sa bahay kasama ng kanyang mga anak hanggang manganak siya sa Agosto.

Honey pulled her kids out of care upon learning a toddler in the centre one of them attends tested positive for COVID-19. Source: Honey Chua
"It just makes me feel somewhat safer - not just for my family but for the rest of the community."
BASAHIN / PAKINGGAN DIN