Tinanong namin ang Hotel Director Royal Carribean's Explorer of the Sea na si Michael Landry sa ugali ng kanilang mga manggagawang Pilipino na lubos nilang pinapahalagahan habang mahigit kalahati ng kanilang mga empleyado ay mga Pilipino.
"They have brought to us a work ethic that's almost without parallel in our experience. They have helped us to build a very tactile close-knit community with our guests because they are very empathetic, very much atuned with how our guests feel and what it takes to make that vacation experience just that more special."
Ito ang sagot ni Michael Landry tungkol sa ugali sa trabaho ng kanilang mga tripulanteng Pilipino lalo na ang pagiging marunong makibagay at makiramdam na lubos na kailangan upang matiyak na ang mga panauhin ng barko ay magkaroon ng higit na espesyal na karanasan sa kanilang bakasyon habang naglalayag.
Ang Royal Carribean ay isa sa pinakamalaking linya ng barkong panlayag sa mundo.
Panoorin ang bidyo para makita kung paano ang isang araw sa buhay ng mga nagtatrabaho sa paglalayag: