Highlights
- Gawing prioridad ang pag-aaruga sa sarili para makatulong sa iba at makakatulong para maiwasan ang maraming sakit ayon sa isang pag-aaral
- Sa pag-aaral ng Beyond Blue lumabas na bawat taon, kalahating bilang ng populasyon sa Australia ay nagkakaroon ng depresyon o anxiety
- Mga babae mas mataas ang tsansang magkaroon ng mental health issues kaysa mga lalaki. Para sa karagdagang tips bisitahin ang www.womenshealthweek.com.au
Naipagsasabay ni Fatimah Haase ang pagiging ina sa kanyang tatlong mga anak na lalaki at pagtatrabaho. Pero aminado ang taga Logan, Queensland na ina, kinakaya lang nya pero ang totoo, hindi na nya alam kung tatagal pa sya sa nasabing sitwasyon.
At dahil gustong humaba pa ang buhay para makasama ang mga anak, at bigyang pansin ang sarili, dumalo sya sa isang linggong masinsinang personal development program. Dito nya natutunan na dapat pala ay alagaan ang sarili.
" Tumaba ako, palagi akong pagod at naghahabol sa oras para alagaan ang mga bata at marami pang gawain sa bahay. Binigay ko na lahat, at wala akong time sa sarili pero gusto ko sumaya para sa kanila, kwento ni Fatimah.
Ayon kay Dr Mey Lee Wong, na isang eksperto mula sa Jean Hailes for Women’s Health at isa sa mga speaker ng Women’s Health Week. Gawing prioridad ang self-care o pag-aruga sa sarili para makatulong sa iba.
“ Dahil maraming pinapasan na problema at iniisip ang mga babae at nadudulot ito ng masama sa kanilang kalusugan. Pero kapag inaalagan ng mga kababaihan ang kanilang sarili marami ang matutulungan," sabi ni Dr Wong.
Lumalabas sa isang pag-aaral sa Victoria University, na 80% sa sakit sa puso, stroke at type-2 diabetes at higit one third sa mga cancer na sakit ay maiiwasan sa pamamagitan ng mas tutok na pag-aalaga sa sarili. Kagaya ng pagkain ng tama, regular na pag-ehersisyo, paghinto ng pag-inum ng alak at paninigarilyo.

Source: Getty Images/Westend61
Dagdag pa ng doktor ang pag-aalaga o pag-aaruga sa sarili, ay higit nangangahulugan ng pag aalaga sa kalusugan ng pag iisip na nagdudulot ng mabuti sa pisikal na pangangatawan.
“ Kapag kulang sa tulog nagdudulot yan ng depresyon o pagkabalisa at hindi yan alam ng iba na nakakasama. Kapag maganda ang tulog at nag-eehersisyo ka at masaya ka, may magandang epekto yan," payo ng doktor.
Ayon sa federal Department of Health, mas madaling nagkakaroon ng sakit sa pag-iisip at katawan ang mga kababaihan kumpara sa mga kalalakihan.
Dagdag din ni Dr Grant Blashki na isang lead clinical advisor ng Beyond Blue, mas malala ang pinagdadaanan ng ibang tao, dahil hindi ito bukas na pag usapan sa kanilang doktor ang problema sa pag-iisip o ibang mental health issues sa takot na, pag usapan at mabahiran ang kanilang pangalan. Lumalabas sa pag aaral ng Beyond Blue, na taon-taon halus kalahati ng populasyon ng mga tao sa buong Australia ay nakakaranas ng problema sa pag-iisip, dahil sa sobrang kalungkutan o depresyon at pagkabalisa o anxiety.
"Komunsulta sa GP kahit problema sa pamilya, dahil ang mga GP ang magiging daan sa mental health system dito sa bansa.Pwede silang gumawa ng mental health plan para ma-access ang tulong ng eksperto, " payo ni Dr. Blashki.
Si Marcela na taga-Brisbane na may dalawang anak ay nagka-post natal depression matapos iluwal ang panganay nitong anak. Nakabawi lang sya matapos isinama sa pang araw-araw na routine ang pag aalaga sa sarili.
“ Kung gaano ka dami ang gawain sa bahay, ganun din kadami ang dapat mong ibigay para sa iyong sarili. Pamper yourself, manicure, pedicure at maraming iba," dagdag payo ni Marcela.
Kaya ngayon, regular na si Marcela na nagpapa-pedicure, manicure, nagpapamasahe at naglalakad bilang ehersisyo. May panahon na din sya sa pakikinig ng music para bigyan ang panahon ang sarili na magkapag-relax.

Source: Getty Images/Oscar Wong
“ Alam mo yong pag-inum nga lang ng kape o tea nang madalian ay parang walang epekto pero kapag ginawa mo yon at nakaupo ka sa garden o kahit sa veranda, malaking impact yon sa sarili, " dagdag kwento pi nito.
Sabi ni Dr. Wong maraming magagandang programa ang gobyerno ng Australia sa kalusugan pero marami pa din ang hindi nakaka-access dito dahil wala silang alam, lalo na silang nahihirapan sa pag intindi at pagsalita ng English.
“May mga babaeng parang walang alam, kaya kahit health programs para sa kanila gaya ng Pap smear programs or breast screen programs, at ito din sila ang hindi pumupunt sa mga GP, "sabi pa ng doktor.
Inamin ni Maria Hach na isang senior policy advisor at the Multicultural Centre for Women’s Health. Iba- iba ang kahulugan, ng self-care o pag aalaga sa sarili, depende sa sitwasyon ng isang tao, pero para sa iba, ito'y makaligtas mula sa mapang-abusong tahanan.

Source: Maria Hach
“ Dapat gumawa ng hakbang agad kapag nararamdaman ang pang-aabuso at huwag hintayin na nalalagay na sa peligro ang buhay saka na hihingi ng saklolo."
Lumabas sa pag-aaral ni Hach, na ang pag aalaga sa sarili ay konektado sa pinanggagalingang komunidad, ang magandang komunidad ay nagdudulot ng magandang binhi, na balang araw sya ring huhubog ng mas magandang komunidad.
“ Dapat nating tanggapin na hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay pati ang ating nararamdaman, dapat mahalin natin ang ating sarili kagaya ng ating mga kaibigan at pamilya. Treat yourself kasama ang kaibigan. "
Dalawang taon, matapos ang programang dinaluhan ni Fatimah, hindi lang nabawasan ang kanyang timbang ng sampung kilo, parang nabunutan din sya ng tinik at nagkaroon ng mas magandang pananaw na ipagpatuloy ang buhay. Maliban sa pag aalaga sa sarili , lumalim din ang kanyang pananampalataya.
Kaya ngayon bilang isang ina at relationship coach, mas masaya syang naibibigay nya ang 100 percent na serbisyo sa pamilya at sa kapwa.
“ Habang nabubuhay patuloy ang ating paglalakbay at marami tayong natututunan. Parang nagising ako sa katotothanan at masaya ako. At lahat ng yon ang nagbibigay sa atin ng tunay na kasiyahan sa buhay."
Alagaan at mahalin ang sarili sa lahat ng panahon, hindi lang ngayong National Health Women’s Week na ginugunita ngayong buwan ng Setyembre, para sa mas makabuluhang at masayang pamumuhay.
Para sa emotional support, tumawag sa bente kwartro oras na Beyond Blue’s helpline sa 1300 22 46 36.
Kung mangangailangan ng translator,
Tumawag sa Translating and Interpreting Service sa 13 14 50.
Kung biktima ng domestic o sexual abuse
tumawag sa 1800 RESPECT o 1800 737 732
At kung nasa panagnib ang buhay tumawag sa 000