#5: Pebrero nang pormal na itatag ang Bangsamoro Transition Authority na pumalit sa Bangsamoro Automous Region sa Mindanao.
Ang bagong Bangsamoro government sa pamumuno ni Al Hajj Murad Ebrahim, interim chief minister ng BTA ay naglalayong sasagot sa matagal ng mga problema na kinaharap ng bangsamoro people sa Mindanao.
Magsisilbing "caretaker" ang Bangsamoro Transition Authority ng BARMM habang hindi pa nahahalal ang mga unang opisyal nito sa 2022.
#4: Naging matunog ang pangalan ng hepe ng Philippne National Police na si Gen. Oscar Albayalde na humarap sa Senado kaugnay ng imbestigasyon sa "ninja cops", o ang mga pulis na sangkot sa iligal na droga.
Itinanggi ni Albayalde ang mga paratang na pagprotekta sa kanyang mga dating subordinates na sinampahan ng kasong criminal ng PNP CIDG dahil sa maanomalyang drug raid noong 2013. Humantong sa pagbibitiw sa pwesto ng opisyal ang kontrobersya.
#3: Nobyembre naman nang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte Si Bise Presidente Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Illegal Drugs (ICAD),para hawakan ang kampanya ng pamahalaan kontra droga.
Makalipas ang tatlong linggo, sinibak sa pwesto si Ginang Robredo.
Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo kinulang ang Bise Presidente ng programa para sa ICAD at hindi kuntento ang Malacanang sa performance nito.
Inaabangan naman ng lahat ang ulat sa bayan na inanunsyo ni Ginang Robredo tungkol sa war on drugs.
#2: Naging makulay at matagumpay naman ang pagdaraos ng ika-tatlumpong Southeast Asian Games na ginanap sa bansa noong ika-30 ng Nobyembre hanggang ika-11 ng Disyembre.
11 bansa ang lumahok sa halos 60 palaro na dinomina ng mga atletang pinoy. 387 medalya ang nasungkit ng mga Pinoy na manlalaro at tinanghal na kampiyon ang Pilipinas.
Nabalot ng mga negatibong balita at kapalpakan ang unang linggo ng pagiging punong abala ng Pilipinas sa biennial na palaro. Pero nanaig ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa ganap na pagbubukas ng SEA Games.
#1: Nasagot ang matagal na dalangin ng pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre sa Mindanao nitong ika-19 ng Disyembre.
Makalipas ang 10 taon ng paglilitis, ibinaba ni Quezon City judge Jocelyn Solis Reyes ang hatol sa mga sangkot sa pagpaplano hanggang sa aktuwal na pagpatay sa 58 tao noong ika-23 ng Nobyembre 2009 sa Shariff Aguak, Maguindanao.
Guilty sa kasong multiple murder, ang naging hatol sa itinuturing na mastermind na magkapatid na Andal Ampatuan Jr at Zaldy Ampatuan at mga kasabwat sa karumaldumal na krimen na mahaharap sa habambuhay na pagkakakulong. Apat sa miyembro ng pamilya Ampatuan ang naabswelto kasama ang ilang pulis.
Itinuturing na isang makasaysayang pangyayari ito sa bansa sa pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ng karahasan. Pero ayon kay Ismael “Toto” Mangudadatu, magpapatuloy ang kanilang pakikibaka para sa katarungan.
Pakinggan din




