Key Points
- Inilunsad ng grupo na hihiling sa mga Australyano na bumoto ng 'YES' sa referendum ang kanilang opisyal na kampanya. Ginawa ang paglunsad sa Adelaide.
- Hindi dumalo si Prime Minister Anthony Albanese sa naging paglunsad — pero nauna na itong nagbigay ng pahayag, inakusahan niya ang lider ng Oposisyon na si Peter Dutton ng pagsisikap na lumikha ng kalituhan tungkol sa Voice to Parliament.
- Gagawin ang referendum sa Indigenous Voice to Parliament sa huling bahagi ng kasalukuyang taon sa isang makasaysayang sandali para sa Australia.
Makailang ulit nang sinabi ng Nationals na hindi nila sinusuportahan ang panukalang boses sa parlyamento.
Sinabi ng lider na si David Littleproud hindi naniniwala ang partido na mapapabuti nito ang buhay ng mga Indigenous Australians, bagaman suportado nila ang prinsipyo sa likod ng panukala.
Hindi pa kinukumpirma ng Partido Liberals ang kanilang opisyal na posisyon, pero patuloy ang paghingi ni Peter Dutton ng dagdag na detalye kung ano ang magiging itsura ng inihahain na Boses sa Parlyamento.