Ayon sa pahayag ni Ms Payne, nangangako ang Australya na magbibigay ito ng humanitarian aid an nangangahalagang $800,000 sa Pilipinas. Kasama sa mga ibibigay ay ang mga shelter kits, hygiene products, kumot at sleeping mats. Ang aid na ito ay ibibigay sa 25,000 na katao.
Ang Philippine Red Cross ang naukulang magpamigay ng mga gamit na ito.
Maliban sa tulong, nagpadala din ang Australya ng humanitarian experts sa Pilipinas, at nakikipagugnayan ang embassies ng dalawang bansa upang matulungan ang mga nasalanta ng bagyo.
Nangako ang Australya na magbibigay ito ng karagdagang tulong kung hingin ito ng pamahalaan sa Pilipinas.
BASAHIN DIN