ALAM MO BA: What is a Royal Commission in Australia?

What is a Royal Commission?

What is a Royal Commission? Credit: Canva

We often hear the term Royal Commission in discussions about government and politics in Australia, especially when there is a major issue with serious consequences for the public. But do you know what it actually means?


📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Naririnig natin ang terminong Royal Commission sa

usaping gobyerno at politika sa Australia, lalo na

kung may malaking isyu na may seryosong epekto sa

publiko. Pero, alam mo ba kung anong ibig sabihin

nito? Ang Royal Commission ang pinakamataas at

pinakamakapangyarihang uri ng public inquiry sa

Australia. Itinatatag ito kapag may alegasyon ng

malubhang pagkukulang, katiwalian o sistemikong

problema sa loob ng isang organisasyon, industriya

o ahensya ng gobyerno. May kapangyarihan ang Royal

Commission na tumawag ng mga saksi, humingi ng

dokumento at magsagawa ng public hearings o

pampublikong pagdinig. Ibig sabihin, pwedeng

obligahin ng mga indibidwal at institusyon na

magsalita sa ilalim ng panunumpa. May iba't ibang

pananaw dito. Para sa marami, mahalaga ang Royal

Commission dahil nagdadala ito ng transparency at

pananagutan. Maraming pagbabago sa batas at

pulisiya ang nagmula sa mga rekomendasyon nito

tulad ng mga reporma sa banking, aged care at

child abuse prevention. Pero para sa iba, matagal

at magastos ang proseso, minsan inaabot ng ilang

taon bago lumabas ang pinal na ulat, at hindi rin

awtomatikong naipapatupad ang lahat ng

rekomendasyon. Gayunpaman, ang mga natuklasan ng

Royal Commission ay nagsisilbing malakas na

batayan para sa reporma at mas maayos na

pamamahala. Sa madaling salita, ang Royal

Commission ay paraan ng gobyerno para siyasatin

ang katotohanan at ituwid ang mga sistemang

pumalpak.

END OF TRANSCRIPT

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand